Appointment Ni Lopez, Pagbobotohan Ngayong Umaga Ng CA

Pagbobotohan ngayong araw ng makapangyarihang Commission on Appointments kung palulusutin si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez.

Kung hindi makalulusot si Lopez, hindi na ito maa­aring italaga sa puwesto ni Pangulong Duterte.

Una nang nagpahayag ng suporta sa kumpirmasyon ni Lopez sina Senate Majority Leader Vicente Sotto III at Senador Manny Pacquiao.

Naging isyu laban kay Lopez ang pagpapasara o pagpapasuspindi nito ng nasa 28 minahan sa bansa at nagbanta pa na kakanselahin ang nasa 75 iba pang kontrata.

Nilinaw ni Lopez na hindi siya laban sa mining bilang isang industriya at nais lamang niya na sumunod ang mga ito sa mga batas.

Sa pagsalang kahapon, nagpakita pa si Lopez ng video, kung saan ay napanood ang mga hindi magandang idinudulot ng pagmimina sa kalikasan.

Speak Your Mind

*