Artikulo 21 sa lungsod ng Dagupan, mahigpit na ipinatutupad

Nilinaw ng Task Force Anti-Littering ng lungsod ng Dagupan na maaaring maharap sa kaukulang kaso ang sinumang indibidual na hindi tatalima kung sakaling nakagawa ng paglabag sa artikulo 21.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Jaime Serna – Officer-In-Charge ng Task Force Anti-Littering na batay ito sa Artikulo 21 o Executive Order No. 20 serries of 2016.

Ayon kay Serna, dapat bayaran ang kaukulang multa sa nagawang paglabag sa loob ng pitong araw sa tanggapan ng one stop shop service.

 

Samantala, nilinaw din ng Task Force Anti-Littering na hindi kasama ang community service bilang pambayad sa nagawang paglabag sa naturang ordinansa.

Speak Your Mind

*