Atong Ang Di-Sasantuhin Ni Duterte Sa Illegal Gambling Operations

Tiniyak ng Malacañang na hindi sasantuhin ni Pangulong Rodrigo Duterte si Charlie “Atong” Ang sa illegal gambling operations nito.

Ito ay matapos ibulgar nina National Security Adviser Hermogenes Esperon at Department of Justice (DOJ) Secretary Vitaliano Aguirre ang illegal gambling operations ni Ang sa labas ng Cagayan Economic Zone Authority (CEZA).

Nabatid na binabalewala ni Ang ang executive order (EO) 13 na inilabas ni Pangulong Duterte noong Pebrero na nagpapalakas sa kampanya laban sa illegal gambling operations sa bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella, na walang ‘sacred cow’ sa Duterte Administration kabilang na si Ang.

Magugunitang kinasuhan si Ang ng katiwalian o graft pero nahatulan sa mas mababang kaso, kaya nakulong lamang sa loob ng dalawang taon

Speak Your Mind

*