Bagong commitment order vs Napoles inihirit

Nakatakdang dinggin ngayong araw ng Sandiganbayan Fifth Division ang mosyon ng prosekusyon para sa commitment order ng tinaguriang ‘pork barrel scam queen’ na si Janet Lim-Napoles.

Inihirit ng prosekusyon sa Sandiganbayan na maglabas ng panibagong commitment order para sa pagpapadetine kay Napoles sa Camp Bagong Diwa.

Paliwanag pa ng prosekusyon, ang paglalabas ng commitment order ang magbibigay-linaw sa         anumang kaguluhang idinulot ng pagkakaabsuwelto ni Napoles sa kasong illegal detention.

Sa ngayon ay hindi pa rin naidedetine si Napoles dahil sa nakabinbin pa rin ang plunder trial sa mga kaso nina Senador Bong Revilla, Juan Ponce Enrile at Jinggoy Estrada.

Speak Your Mind

*