Bilateral talks ng Phl, China sa WPS isinasapinal na

Isinasapinal na ang mga pag-uusapan para sa bilateral consultation kaugnay ng agawan sa teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Philippine Ambassador to China Chito Sta. Romana, gagawin ang inagural session ng Phl-China bilateral Consultative Mechanism on West Philippine Sea sa Guizhou, China sa Biyernes.

Aniya, maituturing na mahalagang hakbang sa mahabang negosasyon ang bilateral consultative mechanism.

Umaasa si Sta. Romana na maiiwasan ang standoff sa WPS dahil sa nasabing dayalogo.

Pangungunahan ni Sta. Romana ang delegasyon ng Pilipinas sa nasabing pagpupulong samantalang ang Chinese vice foreign minister naman ang mangunguna para sa panig ng China.

Speak Your Mind

*