Brigada eskuwela sa mga pampublikong paaralan, pinaghahandaan na ng DepEd

Pinaghahandaan na ng Department Of Education o DepEd ang nalalapit na isasagawang brigada eskuwela na taunang isinasagawa sa katapusan ng buwan ng mayo.

Sa panayam ng Dzrd Sonshine Radio, sinabi ni Cesar Bucsit, Administrative Officer ng DepEd region 1 nasa ilalim ng “brigada eskuwela,” nagtutulungan ang ibat-ibang stakeholder kabilang na ang mga guro, magulang, estudyante, peoples organization, at national governemnt agency.

Sa pamamagitan aniya ng brigada eskuwela ay buong pusong nagtutulungan para linisin at ayusin ang mga silid-aralan bilang paghahanda sa muling pagbubukas ng klase.

Tiniyak naman ni bucsit na dumadaan sa voluntary basis ang lahat ng  makikiisa sa brigada eskuwela.

Batay sa inilabas ng DepEd, ang pagdaraos ng “Brigada Eskuwela 2017-2018” sa mga pampublikong paaralan ay isasagawa mula Mayo 15  hanggang Mayo 20.

Speak Your Mind

*