BuCor-TADECO deal iniimbestigahan na sa Kamara

Umarangkada na ang imbestigasyon ng Kamara sa kasunduang pinasok ng Bureau of Corrections (BuCor) at Tagum Agricultural Development Corporation (TADECO) na pagmamay-ari naman ng pamilya ni Davao del Norte 2nd District Representative Antonio Floirendo, Jr.

Pinangunahan ng House Committee on Good Government and Public Accountability at House Committee on Justice ang pagdinig.

Nag-ugat ang imbestigasyon sa inihaing resolusyon ni House Speaker Pantaleon Alvarez na nagsasabing nalulugi ang gobyerno ng nasa higit sandaang milyong piso kada-taon dahil sa kontrata.

Taong 1969 nang paupahan ng BuCor sa TADECO ang isang bahagi ng lupa sa Davao Prison and Penal Farm (DPPF) para pagtaniman ng saging.

Nagkalamat ang pagkakaibigan nina Floirendo at Alvarez nang magkaroon ng pag-aaway ang kanilang mga kasintahan noon pang nakaraang taon.

Speak Your Mind

*