Cabinet clusters binago ni Duterte

Inayos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang cluster system ng kanyang Gabinete.

    Binuo ni Pangulong Duterte ang dalawang Cabinet groupings alinsunod sa kanyang Executive Order (EO) No. 24.

    Ito ay ang participatory governance cluster, kung saan ang interior secretary ang siyang chairman at ang infrastructure cluster na pamumunuan naman ng public works secretary.

    Ayon kay Assistant Secretary Jonas Soriano, tagapagsalita ng Office of the Cabinet Secretary, ang participatory governance cluster ang siyang bahala sa pagpapabuti ng ‘citizen participation’ sa mga proseso sa gobyerno.

    Samantala, ang infrastructure cluster naman ay nakatuon sa walong trilyong pisong infrastructure program ng administrasyon.

    Sa ilalim ng EO 24, ni-reorganize rin ang human development and poverty reduction na pamumunuan ng Social Welfare secretary at ang security, justice at peace ay pamumunuan ng Defense secretary.

    Sa kabilang banda pa rin, ang climate change adaptation and mitigation and disaster risk reduction ay pamumunuan ng chairman ng Environment secretary at economic development ay pamumunuan ng Finance secretary.

    Sa ngayon ay mayroon nang anim na clusters ang Gabinete, kumpara sa lima noong panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Speak Your Mind

*