Calida sa CA: ‘Justice prevailed’

“Justice prevailed.”

Ito ang naging pahayag ni Solicitor General Jose Calida matapos maabsuwelto si Janet Lim-Napoles sa kasong illegal detention na inihain laban dito ni Benhur Luy.

Pinuri rin ni Calida ang piskalya sa paggawa nang tama base sa ebidensiyang iprinisinta sa kanila.

Ipinunto naman ni Calida na magkaiba at hiwalay ang kasong illegal detention sa iba pang kaso laban kay Napoles na hanggang ngayo’y nakabinbin.

Si Calida ay nagbigay ng manipestasyon na nagsasabing dapat ay maabsuwelto si Napoles sa naturang kaso.

Speak Your Mind

*