Cayetano ‘di gagamit ng ‘microphone diplomacy’

Dinaluhan ni dating Senador Alan Peter Cayetano ang kanyang unang flag ceremony bilang kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa kanyang talumpati, hinimok ni Cayetano ang mga empleyado ng DFA na makipagtulungan sa kanya.

Ani Cayetano, ang misyon ng DFA ay “Build, bridge, build.”

Galit umano siya sa pag-angkin ng China sa teritoryo ng bansa pero mahal niya umano ang mga ito.

Dagdag pa ni Cayetano, walang mangyayaring ‘microphone diplomacy’ o ang pagsasalita sa publiko sa mga isyung kinasasangkutan ng bansa at iba pang bansa.
 

Speak Your Mind

*