Cayetano iginiit sa UNHRC na walang EJKs sa Pilipinas

Iginiit ni Senador Alan Peter Cayetano na walang extrajudicial killings (EJKs) sa bansa kasabay ng pagdepensa niya sa war on drugs ng pamahalaan sa harap ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) sa Geneva, Switzerland

Aniya, pinalitan lamang ng Commission on Human Rights (CHR) at ng ilang local media ang kahulugan ng EJK para paniwalain ang publiko at ibang bansa na may state-sponsored extrajudicial killings.

Sinabi pa ng senador na may deliberate attempt para isama ang lahat ng homicides bilang EJK at palabasing state-sponsored ang lahat ng drug-related killings.

Pinangunahan ni Cayetano ang Philippine Delegation sa pagharap sa Universal Periodic Review (UPR) ng UNHRC.

Speak Your Mind

*