Cayetano lilimitahan na ang pagsasalita

Aminado si Incoming Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Alan Peter Cayetano na malaking adjustment ang kanyang gagawin kapag nagsimula na siya sa bagong trabaho.

Nangako si Cayetano na lilimitahan na niya ang paglalabas ng mga pahayag dahil may epekto umano ito sa pakikipag-ugnayan sa ibang bansa.

Sinabi ni Cayetano na magsasalita na lang daw siya kapag lubhang kailangan o ipinag-uutos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nagpasalamat naman si Cayetano sa mga kasamahan sa Senado at Kamara sa mabilis na pag-apruba ng kanyang kumpirmasyon sa Commission on Appointments (CA).

Pero kung gaano kaikli ang oras ng kumpirmasyon sa committee level, mahabang litanya naman ang ginawa ng CA members para bigyan ng pagkilala ang kanilang dating kasamahan.

Speak Your Mind

*