Cayetano lulusot sa CA

Sigurado na raw na makalulusot si Senador Alan Peter Cayetano sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA).

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, chairman ng CA Foreign Affairs Committee, suportado ng mga miyembro ng bicameral body ang appointment ni Cayetano bilang bagong Department of Foreign Affairs (DFA) secretary.

Sinabi naman ni Senate President Kiko Pimentel na awtomatikong ituturing na resigned na si Cayetano bilang senador sa oras na makumpirma na ito ng CA.

Malaking kawalan naman aniya si Cayetano bilang aktibong senador.

Speak Your Mind

*