Cayetano nag-sorry sa mga nakaalitang senador

Matapos kumpirmahin bilang bagong Department of Foreign Affairs (DFA) secretary, humingi ng paumanhin si Senador Alan Peter Cayetano sa mga nakaalitan niyang senador.

Aniya, kung mayroon man siyang nasaktan o napersonal sa mga debate sa Senado ay humihingi siya ng tawad sa mga ito.

Hindi naman aniya maipangangako ni Cayetano na hindi na niya ito uulitin pero bilang diplomat ay magiging mas mabait na raw siya.

Magugunitang nakaalitan ni Cayetano si Senadora Nancy Binay nang akusahan niya ng katiwalian ang ama nitong si dating Vice President Jejomar Binay.

Nakainitan niya rin si Senador Antonio Trillanes na kilalang kritiko ng Administrasyong Duterte.

Speak Your Mind

*