Cayetano ‘sentimental’ sa kanyang huling araw sa Senado

Aminado si Senador Alan Peter Cayetano na naging sentimental siya sa kanyang posibleng huling araw sa Senado nitong Martes.

Aniya, hindi niya maiwasang maging sentimental dahil dalawampu’t limang taon din siya sa lehislatura.

Napakarami rin aniya niyang mami-miss sa Senado.

Ngayong araw, nakatakdang sumalang si Cayetano sa pagdinig ng Commission on Appointments (CA).

Kung makalusot sa CA, tuluyan na niyang iiwan ang Senado para maging kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Speak Your Mind

*