Cervical Cancer, pampito sa sakit ng mga kababaihan na sanhi ng maagang pagkamatay

Sa buong rehiyong uno, pang-pito ang cervical cancer sa sakit ng mga kababaihan sa nagiging sanhi ng kanilang maagang pagkamatay.

Sa panayam ng dzrd sonshine radio, sinabi ni Ammiel Jairuz Carino, staff nurse ng Provincial Health Office (PHO) na ang cervical cancer din ang magiging sanhi ng maagang pagka-dissable ng mga kababaihan.

Ayon pa kay Carino, ang cervical cancer ay ang kanser na nakaaapekto sa cervix o kuwelyo ng matres ng babae.

Maituturing naman aniya ang pinaka-common na sanhi ng pagkakaroon ng cervical cancer ay ang impeksyon ng Human Papillomavirus o HPV.

Ang HVP ay kadalasan din aniyang nakukuha ng mga babae sa pamamagitan ng pakikipagtalik.

Samantala, maliban sa hpv malaki rin ang posibilidad ng pagkakaroon ng cervical cancer ang isang babae na naninigarilyo, mahina ang immune system, at paggamit ng birth control pill

Ang tinig ni Ammiel Jairuz Carino, staff nurse ng Provincial Health Office (PHO) sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*