Chairman’s statement ni Duterte sa ASEAN, ‘Di Pro-China — DFA

Mariing itinanggi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na maituturing na pro-China ang chairman’s statement ni Pangulong Rodrigo Duterte sa katatapos lamang na ASEAN Summit 2017.

Ayon kay DFA Spokesperson Robespierre Bolivar, mula noon pa man ay malinaw na ang paninindigan ng pangulo hinggil sa naturang issue at pabor ito sa mapayapang resolusyon sa anumang sigalot sa teritoryo.

Naging positibo rin aniya ang usapan ng ASEAN leaders partikular na sa mga nangyayari sa grounds at sa kung papaano ang magiging pagkilos sa South China Sea.

Samantala, binanggit din ni Bolivar ang patuloy na pakikipag-ugnayan ng China sa binubuong code of conduct (COC) sa South China Sea na magsisilbing gabay sa bawat bansa na apektado ng territorial dispute.

Bukod dito, inilatag din ang communication protocols para maiwasan ang paglala ng tensiyon sa lugar.

Speak Your Mind

*