CHR dumepensa sa pahayag ni Cayetano na binago nila ang depinisyon ng EJK

Binuweltahan ng Commission on Human Rights si Senador Alan Peter Cayetano matapos nitong sabihing niloloko lamang nila at ng mga kritiko ng war on drugs ang mundo, kaugnay ng umano’y extrajudicial killings (EJKs).

Sa opening statement ni Cayetano sa United Nations Human Rights Council (UNHRC) sa Geneva, Switzerland, sinabi niyang binago lamang ng CHR at ng ilang local media ang kahulugan ng EJK.

Pero ayon kay CHR Commissioner Karen Gomez Dumpit, hindi nila binago ang kahulugan ng EJK.

Aniya, sumusunod ang CHR sa international guidelines sa pakahulugan sa EJK.

Paliwanag pa ni Dumpit, ang tinutukoy ni Cayetano na Administrative Order (AO) 35 na nilagdaan noong Aquino Administration ay nakabatay sa kung ano ang kalagayan sa mga panahong iyon

Speak Your Mind

*