Cimatu nanumpa na kay Pangulong Duterte bilang bagong DENR secretary

Nanumpa na kay Pangulong Rodrigo Duterte si bagong Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu sa gitna ng Cabinet meeting sa Malacañang kahapon.

Si Cimatu ay saktong naroon sa meeting ng Gabinete bilang special envoy to the Middle East (ME) nang gawin ni Duterte ang anunsiyo sa kanyang bagong appointment.

Kumpiyansa ang Administrasyong Duterte na pagsisilbihan ni Cimatu ang interes ng bansa at sambayanang Pilipino bilang bagong DENR secretary.

Si Cimatu ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class of 1970 at dating Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff noong 2002.

Speak Your Mind

*