Collection target ng BIR Region 1 sa unang bahagi ng taong 2017, nakamit

Naabot ng Bureau of Internal Revenue o BIR Region i ang kanilang collection target at magandang performance para sa unang bahagi ng taong 2017.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio kay Carmelito “Lee” Caday, head ng Taxpayer Assistance Unit, BIR Region 1, masaya nitong ibinalita na nakamit din ang adbokasiya ng ahensya na “BIR, Para sa Tunay na Pagbabago”.

Tulad ng ibang ahensya, kaisa aniya ang BIR sa battle cry ni Pangulong Duterte para sa tunay na pagbabago, kayat lahat ng serbisyo ng gobyerno ay mas pinadali at pinabilis.

 

Ayon pa kay Caday, isa sa nakatulong kung bakit tumaas ang tax collection ng bir region 1 ang pagiging compliance ng mga tax payers at ang mahigpit nilang paghahabol sa mga delinquent taxpayers.

Speak Your Mind

*