COMELEC Chairman Bautista pinakamayaman sa heads ng constitutional bodies

Inilabas na ang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng limang constitutional commissions sa gobyerno para sa taong 2016.

Batay sa kanilang SALN, si Commission on Elections (COMELEC) Chairman Andres Bautista ang pinakamayamang heads ng limang konstitusyon na may total assets na P241.8 milyon at may total net worth na P176.3 milyon.

Sumunod si Ombudsman Conchita Carpio Morales na may kabuuang net worth na P54.13 milyon noong 2016.

Pangatlo naman si Commission on Audit (COA) Chairman Michael Aguinaldo na may P51.07 milyong net worth.

Nasa ikaapat na puwesto naman si Civil Service Commission (CSC) Chairman Alicia Bala, na may P21.86 milyong net worth noong taong 2016.

At panghuli naman si Commission on Human Rights (CHR) Chairperson Chito Gascon na may kabuuang P6.08 milyong net worth para sa taong 2016.

Speak Your Mind

*