COMP umaasang si Cimatu na ang karapat-dapat na pinuno para sa DENR

Umaasa ang Chamber of Mines of the Philippines (COMP) na si Roy Cimatu na ang karapat-dapat na kalihim para sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Sa pahayag ni COMP vice president for legal and policy Ronald Recidoro, sinabi nito na matagal na nilang panawagan na magkaroon ng DENR secretary na may balanseng pagtingin sa environmental protection at paggamit ng likas-yaman.

Inulit naman ni Recidoro na handa ang COMP na makipagtulungan sa gobyerno para sa pagsusulong ng responsableng pagmimina.

Magugunitang isa ang COMP sa mga humarang sa appointment ni Lopez bilang kalihim ng DENR.

Speak Your Mind

*