Composite Team tutungo sa UN para harapin ang War Vs Drugs Issue

Tutungo ang kampo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa United Nations (UN) para harapin ang kaugnay ng umano’y mga isyu ng paglabag sa karapatang pantao sa bansa sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Ayon kay Senador Alan Peter Cayetano, bumuo na ng composite team si Pangulong Duterte na haharap sa UN at magbibigay-linaw sa periodic human rights review nito sa bansa sa darating na Mayo 8.

Saad din ni Cayetano, ang composite team ay pinamumunuan ni Deputy Executive Secretary Meynard Guevarra, kung saan ay kasama rin sa nasabing team si Cayetano.

Dagdag ni Cayetano, simple lang umano ang magiging istratehiya ng tropa sa pagharap sa UN, kung saan ay sasabihin lang nila ang katotohanan at itatama ang tunay na bilang ng mga nasawi.

Umaasa si Cayetano na matapos ang gagawin nilang presentation ay marami ang maliliwanagan na mali ang facts na sinasabi ng mga kritiko ng war on drugs ng Duterte Administration.

Speak Your Mind

*