CPP Nabawasan Ng Kaibigan Sa Gobyerno Matapos Mabasura Ang Appointment Ni Lopez

Nabawasan umano ng kaibigan sa loob ng gobyerno ang Communist Party of the Philippines (CPP) makaraang ibasura ng Commission on Appointments (CA) ang ad interim appointment ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez.

Nabawasan din umano ang mga mamamayang Pilipino ng kakampi para ipagtanggol ang kalikasan at kabuhayan, lalo na ng mga magsasaka at indigenous people.

Nakatitiyak naman umano ang CCP na gumastos nang milyong piso ang malalaking mining corporations para impluwensiyahan ang botohan para mabasura ang appointment ni Lopez.

Sa kabila nito, sinabi ng rebeldeng komunista na handa silang ituloy ang trabaho ni Lopez na pagprotekta sa kalikasan.

Matatandaang plano ni Lopez na makipagtulungan sa rebeldeng grupo para sa pagkakaroon ng peace zones sa mining sites.

Speak Your Mind

*