DA, wala na umanong ipinatutupad na seed subsidy sa mga magsasaka ngayong 2017

Wala nang ipinatutupad na seed subsidy sa mga magsasaka ang Department Of Agriculture (DA) ngayong taong 2017.

Ito ang inihayag ni dr. Gibert Rabarra, center chief ng Pangasinan Reseach And Extension DA Region 1 kung saan napunta na aniya ang pondo sa farm machineries.

Ayon kay Rabarra, nagpapatuloy parin naman ang rehabilitation program ng palay seed sa mga sinalanta ng nagdaang bagyong karen at lawin noong taong 2016.

Sa ngayon, umaabot sa 11,561 ektarya ang masasakop na taniman ng hybrid seed at hybrid seed buffer stock sa ilalim ng rehabilitation program sa palay seed.

Naniniwala naman si Rabarra na sa susunod na taon ay muling magkakaroon ng seed subsidy o ang tinatawag na masagawanang ani 6,000.

Posible din umanong hydrid seed ang gagamitin kung saan kaya tinawag na masaganan ani 6,000 dahil sa inaasahang ani na 6 tones per hectar.

Speak Your Mind

*