Danny Lim itatalagang MMDA chairman ni Duterte

Nakatakdang italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating military officer Danilo Lim bilang susunod na chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

    Sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea na posibleng pirmahan na ni Duterte ang appointment papers ni Lim bago ito tumulak patungong Russia ngayong araw.

    Papalitan ni Lim sa puwesto si MMDA General Manager Thomas Orbos na naging acting chairman samantalang naghahanap si Duterte ng permanenteng magiging MMDA chief.

    Ayon naman kay Medialdea, mananatili pa rin si Orbos bilang MMDA general manager.

    Matatandaang isa si Lim sa mga nanguna sa tangkang kudeta noong 1989 laban kay dating Pangulong Corazon Aquino at nakulong.

    Napalaya siya sa ilalim ng Ramos Administration at naging miyembro ng Reform the Armed Forces Movement-Soldiers of the Filipino People-Young Officers Union (RAM-SFP-YOU) peace panel.

    Si Lim ang ika-12 dating opisyal ng militar na itinalaga sa puwesto sa gobyerno sa ilalim ng Duterte Administration.

Speak Your Mind

*