De Lima ipinagtanggol si Mocha

Ipinagtanggol ni Senador Leila De Lima ang malapit na tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Mocha Uson.

Sa kanyang sulat-kamay na mensahe, sinabi ni De Lima na hindi dapat husgahan agad si Uson.

Aniya, dapat hayaan muna ang bagong assistant secretary ng Presidential Communication Operations Office (PCOO) para patunayan ang kanyang kakayahan.

Giit ng senadora, na walang karapatan ang sinuman na husgahan ang tao dahil lamang sa mga nakaraan nitong karanasan, relasyon at trabaho.

Gayunman, pinaalalahanan ng senadora si Uson na isa na itong public servant at hindi na lamang simpleng blogger na maaaring maglahad ng anumang nasasaloob nito sa mga usaping panlipunan.

Speak Your Mind

*