Dela Rosa bukas na tumakbong senador

Inamin ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald Dela Rosa na bukas siyang maging senador.

Pero paglilinaw ni Bato, wala pa sa plano niyang tumakbo sa 2019 midterm elections.

Bukod aniya sa wala siyang panggastos sa pagtakbo ay magiging open target din siya ng detractors, lalo na ng mga nag-aambisyon ding maging senador.

Sa Enero 2018 nakatakdang magretiro si Dela Rosa.

Bukas naman aniya siya kung sakaling kailanganin pa ng pangulo ang kanyang serbisyo pagkatapos niyang magretiro.

Speak Your Mind

*