Deped Region 1, bukas sa pagkakaroon ng mandatory drug testing

Bukas ang Department of Education o DepEd Regional Office 1 na magkaroon o isailalim sa mandatory drug testing ang lahat ng mga guro sa rehiyon.

Ito ang inihayag ni Cesar Bucsit, Administrative Officer V at Public Affairs Unit ng DepEd Region 1 bagamat hindi pa naman ipinatutupad ang naturang programa.

Bagamat di pa umano nasisimulan ang naturang programa ay nagsagawa na ng seminar at cluster ang DepEd Region 1 para sa information dissemination hinggil sa drug testing kasama na ang mga estudyante.

Sa ngayon, wala pa naman umanong ipinalaba na guidelines ang DepEd hinggil sa naturang usapin.

Ang tinig ni Cesar Bucsit, Administrative Officer V at Public Affairs Unit ng DepEd Regional Office 1 sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*