Deped Region 1, pabor sa pagkakaroon ng synchronize na pagbubukas ng klase

Pabor ang Department of Education o DepEd Region 1 sa pagkakaroon ng sabay-sabay na pagbubukas ng klase sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa Pilipinas.

Nabatid na ngayong taon, may ilang pampribadong paaralan na magsisimula ang kanilang klase sa Agosto habang sa pampublikong paaralan ay magsisimula ang klase sa Hunyo.

Sinabi ni Darius Nieto, Project Development Officer IV at information Officer ng DepEd-Region 1 na ayon sa batas dapat talagang ipatupad ang synchronize sa pagbubukas ng klase.

Iginiit pa ni Nieto na ang pagkakaroon ng magkaibang academic calendar sa pagitan ng private at public school ay magdudulot na kalituhan lalo na sa pagtransfer ng isang estudyante.

Dagdag pa ni nieto na magiging problema ang petsa o pagkakatugma ng pagtatapos ng mga estudyante.

Ang tinig ni Darius Nieto, Project Development Officer IV at Information Officer ng DepEd-Region 1 sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*