Deped, tiniyak na may sapat bilang ng mga guro sa pagbubukas ng klase

Aminado ang Department of Education o DepEd Region 1 na may kakulangan parin sa bilang ng mga silid aralan para sa pagbubukas ng klase ngayong taon.

Ito ang inihayag ni Darius Nieto, Project Development Officer IV at Information Officer ng DepEd-Region 1 sa panayam ng DZRD Sonshine Radio bagamat marami narin aniya ang naipayong mga classroom.

Sinabi pa ni Nieto na hangga’t tumataas ang bilang ng enrollment ay hindi maiiwasan na magkaroon ng kakulangan sa silid aralan.

 

Samantala, tiniyak naman ng Deped na may sapat na bilang ang mga guro ngayong taon kung saan patuloy parin ang hiring ng mga teacher na posibleng abutin pa hanggang buwan ng septyembre.

 

Ang tinig ni Darius Nieto, Project Development Officer IV at Information Officer ng DepEd-Region 1 sa panayam ng DZRD Sonshine Radio

Speak Your Mind

*