“Diskwento at balik eskwela caravan”, isasagawa sa Pangasinan

Kasado na ang ipapatupad na “Diskwento Caravan at Balik Eskwela” ng Department of tTrade and Industry (DTI) na lalahukan ng ilang mga negosyante sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa panayam ng Dzrd Sonshine Radio, sinabi ni Marjorie lLoresco, Consumer Welfare Division Chief ng DTI-Pangasinan na sa diskwento caravan,mabibili ang mga school supplies sa mas murang halaga.

Nakatakdang isagawa ang Diskwento Caravan sa Umingan Municipal Auditurium sa darating na Mayo a-bente nuebe.

Habang ang Balik Eskwela Caravan naman ay isasagawa sa mga malls kung saan inaasahang lalahukan ito ng CSI Group of Company, Magic Group of Company, Robinson, Nepo Mall, CB Mall, Unitop at ibang mga manufacturer.

Sa ngayon, nananatili namang natatag ang presyo ng mga school supplies dahil parami pang mga school supplies ang hindi naubos noong nakaraang taon

 

Ang tinig ni Marjorie Loresco, Consumer Welfare Division Chief ng DTI-Pangasinan sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

 

Speak Your Mind

*