“Dogong Guro, Dugong Bayani” ng Red Cross, gagayahin na sa ibang ahensya ng gobyerno

Tuloy-tuloy ang isinasagawang “dogong guro, dugong bayani” olympics ng Philippine Redcross (prc) Pangasinan Chapter.

Ito ang inihayag ni Raymund Prodon Lim, blood donor recruitment officer ng PRC-Pangasinan chapter, patunay dito ang katatapos lang na “dogong guro, dugong bayani” sa Manaoag Central School at Sports Center San Fabian.

Sinabi pa ni lim na pinaplano na ng redcross na makipag-partner sa ibang ahensya ng gobyerno kaparehas sa matagumpay na paki-kipag-partner sa DepEd.

Ngunit ngayong darating na buwan ng hunyo kung saan matatapos ang isang taong kampanyang ng “dogong guro, dugong bayani”, bibigyang pagkilala ng redcross kung sino ang pinaka-maraming nagdonate na guro.

Bukas din naman umano ang “Dogong Guro, Dugong Bayani” sa mga kolehiyo at Unibersidad ng Pangasinan.

 

Speak Your Mind

*