DOJ may tugon sa Ombudsman sa pagharang na maging state witness si Napoles

Sinalag ni Department of Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang naging pahayag ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na haharangin nila ang umano’y planong gawing state witness si Janet Lim-Napoles sa reinvestigation ng pork barrel scam.

Sinabi ni Aguirre na karapatan ng Ombudsman at sinuman na gumawa ng anumang hakbang para hindi maging pangunahing testigo si Napoles sa PDAF scam basta’t hindi ito labag sa batas.

Ayon kay Aguirre, dahil may eksklusibong karapatan ang Department of Justice (DOJ) na ilagay ang witness sa witness protection program (WPP) ay gagawin nila ito kung kinakailangan.

Matatandaang una nang sinabi ni Morales na hindi puwedeng maging state witness si Napoles dahil isa ito sa mga benefactor sa PDAF scam.

Speak Your Mind

*