DOST, handa na sa isasagawang 2017 Regional Invention Contest And Exhibits Fair

Handa na ang Department Of Science And Technology o DOST- Pangasinan sa isasagawang 2017 Regional Invention Contest And Exhibits (RICE) fair.

Ayon kay Alexa Apostol, Science Research Specialist ng DOST – Pangasinan, ng RICE Fair ay isang kompetisyon na gaganapin sa Ilocos Norte sa darating na buwan ng Nobyembre.

Maaari namang sumali sa kompetisyon ang lahat ng mga inventors, researchers, at scientists mula sa mga colleges, universities at mga private inventors.

Sinabi pa ni Apostol na magandang pagkakataon para sa lahat ng mga estudyante na inventors, at researchers ang RICE Fair para maipakita nila ang kanilang natatanging talento.

Nahahati naman ito sa limang categories gaya ng tuklas award, Outstanding Utility Model, Outstanding Industrial Design, Outstanding Creative Research (LIKHA Award),at Outstanding Student Creative Research (SIBOL Award) para sa lahat ng high school at college students.

Samantala, ang mananalo naman rito ang magiging kinatawang ng DOST Region 1 sa National Level.

 

 

Speak Your Mind

*