Drug war ni Duterte suportado ng ASEAN

Ibinunyag ni Philippine National Police -Human Rights Affairs office (PNP-HRAO) Director P/Chief Supt. Dennis Siervo na suportado ng mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at iba pang mga bansa sa mundo ang pinaigting na kampanya kontra-droga ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay sa kabila ng mga pagbatikos ng United Nations (UN) sa giyera kontra- droga ng administrasyon.

Ayon kay Siervo, ilan sa mga nagpahayag ng kanilang suporta sa kampanya kontra-droga ni Duterte ay ang Japan at China.

Sinabi ni Siervo na marami pang dayuhang bansa ang nagpahayag ng kanilang maigting na pakikiayon sa giyera laban sa droga matapos na makuha ang impormasyon mula sa Pamahalaan ng Pilipinas.

Magugunitang sinabi ni UN Special Rapporteur Agnes Callamard na hindi solusyon, kundi higit pang nagpatindi ng problema ang giyera kontra-droga.

Speak Your Mind

*