DTI, muling ipinaalala ang pagbibigay ng eksaktong sukli sa mga consumer

Nagbabala ang Department of Trade and Industry o DTI-Pangasinan sa lahat ng mga business establishment na mahigpit ng ipinapatupad ang Republic Act No. 10909 o mas kailala sa “No Shortchanging Act of 2016”.

Sinabi ni Marjury Loresco, Chief Trade and Industry Development Specialist ng DTI na obligasyon ng isang business establishment ang pagbibigay ng eksaktong sukli sa kanilang mga consumer.

Ngunit nilinaw ni Loresco na hindi lang ang mga business establishment ang dapat magbigay ng tamang sukli kundi sakop din sa naturang batas ang lahat ng mga government agencies.

Kasabay nito, umapela naman si Loresco sa mga consumer na gamitin naman ang mga coins na nakatago lang sa kanilang bahay upang hindi naman mahirapan ang mga negosyante.

 

Kasama din aniya sa ipinagbabawal ang nakaugalian ng mga negosyante na pagbibigay ng candy bilang sukli.

Sakali naman aniyang mapatunayang lumabag sa “no Shortchanging Act” ay magmumulta ng 3 percent sa kanyang kinita sa mismong araw na nakagawa siya ng paglabag.

Speak Your Mind

*