Duterte bibili ng high powered weapons sa Russia

Bibili si Pangulong Rodrigo Duterte ng precision-guided bombs sa pagbisita nito ngayong linggo sa Russia.

    Ito ay upang magamit umano ng gobyerno laban sa kaaway ng pamahalaan kasama na ang ISIS terrorist group.

    Aalis ngayon ang pa­ngulo at kanyang delegasyon mula Davao City patungong Russia para sa official visit sa imbitasyon ni Russian President Vladimir Putin.

    Nakatakdang lagdaan ang defense cooperation sa pagbisita ni Duterte sa Russia upang lalong palakasin ang ugnayan ng dalawang bansa.

    Pero nilinaw ng pangulo na hindi para magkaroon ng defense treaty.

    Ilang ulit nang sinasabi ni Duterte ang alok ng Russia na suplayan ang Pilipinas ng high-powered weapons kahit sa mas mababang halaga o kahit na ‘buy one take one.’

    Samantalang nasa Moscow si Duterte ay magkakaroon siya ng bilateral talks kay Putin na hiwalay sa pakikipagpulong kay Prime Minister Dmitry Medvedev.

    Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), maraming kasunduan ang nakatakdang lagdaan din sa pagbisita ni Duterte sa Moscow kabilang na rito ang defense cooperation, military and technical cooperation, treaty on legal mutual assistance in criminal matters, treaty on extradition at MOU cooperation on security sa pagitan ng national security councils ng dalawang bansa.

Speak Your Mind

*