Duterte Binalaan Ang Gabinete Sa Paggamit Ng ‘Wang-Wang’ At Special Plate

Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang Gabinete laban sa paggamit ng special plate at ‘wang-wang.’

Ayon kay Duterte, ayaw niyang magkaroon ng espesyal na pagtrato sa mga taong-gobyerno, lalo na sa pagpapatupad ng batas-trapiko sa lansangan.

Samantala, hindi naman niya maaaring pagbawalan ang ibang matataas na opisyal ng pamahalaan dahil hindi na ito saklaw ng executive department.

Bukod dito, ayaw rin ni Duterte na ang miyembro ng kanyang Gabinete ay gumagamit ng ‘wang-wang’ upang hindi ito makaabala sa lansangan.

Giit ng pangulo, na siya mismo ay hindi gumagamit ng ‘wang-wang’ dahil sa nakaaabala ito sa ibang motorista sa lansangan na animo’y siga sa kalsada.

Ang numero unong plaka ay para sa presidente samantalang ang plate number 2 naman ay nakalaan para sa bise presidente; number 3 sa Senate president; number 4 sa House speaker; number 5 sa chief justice ng Supreme Court, number 6 sa Cabinet secretaries, number 7 sa mga senador at number 8 ay para naman sa mga kongresista.

Speak Your Mind

*