Duterte di-interesadong alamin ang nasa likod ng mga patayan sa bansa

Hindi interesado si Pangulong Rodrigo Duterte na alamin kung sino ang nasa likod ng summary killings sa mga hinihinalang drug suspects.

Ginawa ni Duterte ang pahayag makaraang manawagan ang Universal Periodic Review (UPR) ng UN Human Rights Council (UN-HRC) na payagang imbestigahan ang umano’y extrajudicial killings (EJKs) na may kinalaman sa war on drugs ng pamahalaan.

Sinabi naman ng pangulo na uubusin niya talaga ang mga sangkot sa droga kahit na mabulok pa siya sa kulungan.

Nagbanta rin si Duterte na isasama niya sa mga pupugutan ng ulo ang human rights advocates na kumukuwestiyon sa war on drugs.

Sinabi rin ng pangulo na tatagal pa hanggang tatlong taon ang war on drugs.

Speak Your Mind

*