Duterte hihingin ang tulong ni Putin sa kampanya vs illegal drugs

Bibiyahe ngayong araw si Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang limang araw na official visit sa Russia.

    Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo na posibleng bibili ng mga armas pandigma ang Pilipinas sa Russia na kilalang may de-kalibreng mga military equipment.

    Maliban dito, aalukin din ni Duterte ang Russia na mag-invest sa Pilipinas.

    Makikipag-usap din si Duterte kina Russian President Vladimir Putin at Russian Prime Minister Dmitry Medvebdev kaugnay ng paglutas ng problema sa iligal na droga sa Pilipinas.

    Tatagal ang pangulo sa Russia mula Mayo 22 hanggang Mayo 26.

Speak Your Mind

*