Duterte hindi isusuko ang karapatan ng Phl sa WPS

Iginiit ng Malacañang na prayoridad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang national interest at kapakanan ng mga Pilipino.

Sa statement ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella, sinabi niyang kapwa naninindigan sa mapayapang resolusyon ang Pilipinas at China.

Hindi aniya isinusuko ng Pilipinas ang sovereign rights nito sa mga pinag-aagawang isla sa West Philippine Sea (WPS).

Ang bilateral consultation mechanism ay magsisilbi aniyang plataporma para sa confidence-building measures para maresolba ang isyu sa sigalot sa teritoryo.

Speak Your Mind

*