Duterte Hindi Kayang Palitan Si Lopez Bilang DENR Secretary

Hindi umano uubra na si Pangulong Rodrigo Duterte mismo ang papalit kay dating Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez bilang kalihim ng naturang ahensiya.

Matapos ibasura ng Commission on Appointments (CA) ang kanyang appointment, sinabi ni Lopez na wala siyang ibang nakikitang dapat pumalit sa kanya kundi ang pangulo.

Aniya, tanging si Duterte lamang ang may ‘guts’ at tapang para  banggain ang malalaking negosyante.

Pero ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, hindi na kakayanin pa ni Duterte na pamunuan ang DENR dahil marami na itong trabahong inaasikaso.

Sinabi rin ni Panelo na marami pang talented at passionate na maaaring pumalit kay Lopez.

Speak Your Mind

*