Duterte hinimok ang ASEAN leaders na labanan ang droga

Sinamantala ni Pangulong Rodrigo Duterte ang World Economic Forum (WEF) on ASEAN na ginanap sa Phnom Penh, Cambodia para isulong ang hangaring puksain ang droga.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Duterte ang kahalagahan ng papel ng mga kabataan sa pag-unlad ng ASEAN nations.

Sinabi naman ng pangulo na hindi maaaring magbulag-bulagan sa problema sa droga na sumisira sa kinabukasan ng mga henerasyon ng kabataan.

Kasabay nito, hinimok ni Duterte ang ASEAN leaders na magkaisa at manindigan para makamit ang drug-free ASEAN community.

Speak Your Mind

*