Duterte maagang babalik sa bansa mula sa Russia bunsod ng kaguluhan sa Marawi City

Mas mapaaaga ang pagbabalik sa bansa ni Pangulong Rodrigo Duterte mula sa limang araw na official visit sa Russia.

Ito ang kinumpirma ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano, kasunod ng nagaganap na bakbakan sa Marawi City na siyang dahilan ng pagdedeklara ng pangulo ng Martial Law sa buong Mindanao.

Dahil dito, hindi na matutuloy ang pakikipagpulong ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Russian President Vladimir Putin at Prime Minister Dmitry Medvedev.

Sinabi ni Cayetano na maiiwan siya at ilang delegado para lagdaan ang ilang kasunduan sa pagitan ng Russia at Pilipinas.

Alas-singko ngayong umaga (oras sa Pilipinas) ay bumiyahe na ang pangulo mula sa Russia pabalik ng Pilipinas kasama ang ilang delegado.

Nabatid na direct flight na ang biyahe ni Duterte mula Moscow pabalik ng Maynila.

Limitado pa ang detalye sa pagbabalik-Pilipinas ni Duterte.

Speak Your Mind

*