Duterte nagdeklara ng Martial Law sa buong Mindanao

Nagdeklara na si Pangulong Rodrigo Duterte ng Martial Law para sa buong Mindanao sa loob ng animnapung araw.

    Ito ay kasunod ng sagupaan ng puwersa ng gobyerno at ng Maute group sa Marawi City.

        Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, mahigpit ang ugnayan ng pangulo samantalang nasa Russia, sa mga tropa ng gobyerno na nagsasagawa ng operasyon sa lugar.

    Kinakailangan ding ipaalam ng pangulo sa Kongreso sa loob ng apatnapu’t walong oras ang dahilan ng kanyang pagdedeklara nito.

    Dahil dito, binibigyan ng full control ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa buong rehiyon, kung saan ay suspindido ang civil law, civil rights, habeas corpus at ang application o extension ng military law o military justice sa sibilyan.

    Ang sinumang sibilyang lumabag ay maaaring maharap sa military tribunals o court-martials.

Speak Your Mind

*