Duterte Naghahanap Pa Ng Ipapalit Kay Lopez Bilang DENR Secretary

Ikinalungkot ng Malakanyang ang desisyon ng Commission on Appointments (CA) sa nominasyon ni Secretary Gina Lopez bilang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, na sa halos isang taong panunungkulan ay marami nang nagawa si Lopez para sa kalikasan at solusyon sa socio-economic conditions ng mga apektadong residente sa mining areas.

Gayunman, iginagalang daw ng Malakanyang ang pagbasura ng CA sa appointment ni Lopez na dumaan sa isang demokratikong proseso.

Sa ngayon, sinabi ni Abella na naghahanap pa si Pangulong Rodrigo Duterte ng maaaring ipalit kay Lopez.

Speak Your Mind

*