Duterte nilinaw ang ‘lobby money’ comment

Nilinaw ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte patungkol sa ‘lobby money’ umano na umiral sa pagkakabasura ng kumpirmasyon ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez.

Ani Abella, ang paglilinaw ay nagmula mismo kay Duterte sa ika-15 Cabinet meeting sa palasyo kahapon.

Sinabi ni Abella na nilinaw ni Duterte na ang pagla-lobby ay lehitimong trabaho at hindi nito ibig sabihin na may nangyaring palitan ng pera.

Dagdag pa ni Abella, hindi na ipinaliwanag pa ni Duterte ang paglilinaw nito.

Binigyang-diin din niya na hindi intensiyon ni Duterte ang makasakit sa pahayag na ito.

Ilan sa mga pumalag sa komento ng pangulo si CA member Senador Ping Lacson na tinawag pa itong ‘sweeping assault.

Speak Your Mind

*