Duterte pinabibilisan sa HRVCB ang pagre-release sa claims ng Martial Law victims

Pinabibilisan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Human Rights Victims’ Claims Board (HRVCB) ang proseso ng ebalwasyon at release sa claims ng Martial Law victims.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na tumanggap na kahapon ang unang batch ng human rights victims noong Marcos Regime ng kabayaran sa kanilang dinanas na pag-abuso.

Ayon kay Abella, ang reparation payments ay idadaan sa Land Bank cards at matatanggap buwan-buwan.

Base sa talaan ng HRVCB, nasa 75,000 ang compensation claimants, kung saan ay 4,000 sa mga ito ang aprubado na at 311 pa lamang ang nakatanggap ng bayad-pinsala.

Mga taga-Metro Manila ang unang batch na makatatanggap ng reparation at itinatakda na ang schedule para naman sa mga nasa probinsiya.

Speak Your Mind

*