Duterte tatanggap ng honorary doctorate sa Russia

Tatanggap ng honorary doctorate si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa Moscow Institute of International Relations sa Russia.

Ito ang kauna-unahang honorary doctorate na matatanggap ni Duterte bilang pangulo ng bansa.

Igagawad ito kay Duterte sa ikalawang araw ng official visit nito sa Russia.

Mamayang hapon ay magtutungo na ng Russia ang pangulo.

Bukod kay Duterte, nabigyan din ng kaparehong degree sa nasabing eskuwelahan si dating Pangulong Fidel Ramos noong 1997.

Speak Your Mind

*